CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Tuesday, May 12, 2009

GO UST

Pagkatapos ng matagal na panahon ay ito na....nakapagenroll na ako, may uniform na, may apartment na, may mga gamit na.

Sa University of Santo Tomas na rin ako papasok na may kursong BS Physical Therapy, bali ito rin ang magsisilbing premed course ko hehe siyempre matagal ko na rin binalak at nagplano na magmemedicine ako. Putek talaga sobrang napagod ako nung enrollment inikot ko na ata ang buong campus. Nagpabalik-balik ako dahil may nalimutan akong kunin sa building namin kaya galing ng Seminary gym eh bumalik ako sa Med. building. Tapos basic volleyball ang pe ko balak ko kunin arnis sa second semester.

Masarap maging Thomasian kahit di pa ako nagsisimula kasi sabi nila masaya daw dito sabi ng mga nakausap ko na kasalukuyang mga second at third year student ng unibersidad na ito. Nananabik na ako sa sobrang daming activities dito lalo na ang Freshmen walk at org recruitment.

Matagal-tagal din akong di nakapagpost dito naisipan ko lang kasi nahuhuli narin ako sa mga nangyayari sa blogger wag sana kayong magsawa na magbasa dito kahit yung ibang post eh walang kwenta at ang iba naman ay di ko rin alam.

May Thomasian ba diyan comment naman kayo hehe,....


1 comments:

Seira said...

Hindi ako Thomasian, but you'll appreciate the thought of having me to leave a comment to your post.

Congratulations, at nakapag-enroll ka na. Truly, nakakapagod nga mag-ikot ng campus. Pero, worth it naman ang lahat, di ba?

Let us enjoy our Frosh years in college. (Too bad, hindi ako nagUST. Sana magkita tayo!)